jump to navigation

Bob Ong Quotes Part 1 September 26, 2008

Posted by pilibustero in Personal.
Tags: , , , , , , ,
trackback

Mga Quotes ni Bob Ong tungkol sa PAG-IBIG.

Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sayo kahit na pinapasaya ka nito. Huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.

Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

Pag di ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magagalit. Kasi may mga tao rin na mahal na mahal ka pero hindi mo sila makuhang mahalin. Kaya kwits lang.

Kapag pinag-aagawan ka, malang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.

Madalas akong mapahiya dahil sa pagiging absent minded ko.

Hiwalayan mo na kung hindi ka masaya. Walang gamot sa tanga kung hindi pagkukusa.

Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw, ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.

Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.

Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.

”Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin. Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! “

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

Part 2: Quotes tungkol sa BUHAY at LOHIKA

Disclaimer: These quotes were derived, with acknowledgement, from various blog entries and online sources. However, certainty and consistency of these quotes to that of Bob Ong’s book entries are not guaranteed. This post is not in anyway connected to or have no official sanction from Bob Ong and its representatives whatsoever.

Comments»

1. Elitada News » Bob Ong Quotes Part 1 - September 26, 2008

[…] Click here to display full story Tagged: […]

2. dexter lomat - September 26, 2008

gleng gleng mo tlga


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: