jump to navigation

Bob Ong Quotes Part 2 (Life) September 30, 2008

Posted by pilibustero in Personal.
trackback

Mga Quotes ni Bob Ong tungkol sa BUHAY.

“Hindi masama na lumaki at tumanda kang walang alam paki-alam kung ikaw ay isang puno”

“Iba ang tinititigan sa tinitingnan.
Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.
Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri.
Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.
Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kung kaya dapat: Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin..

“Kailangan mo rin pala ng lakas ng loob para sabihin mong mahina ka.”

“Magkaiba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala-ulang”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. Desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

”Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.” “Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e
mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.”

Part 3: Quotes tungkol sa lohika.

Disclaimer: These quotes were derived, with acknowledgement, from various blog entries and online sources. However, certainty and consistency of these quotes to that of Bob Ong’s book entries are not guaranteed. This post is not in anyway connected to or have no official sanction from Bob Ong and its representatives whatsoever.

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: