jump to navigation

SaNA 2011 by Teddy Casino July 30, 2011

Posted by pilibustero in Politics & Society.
Tags: , , , ,
trackback

In my dream, the President’s State of the Nation Address (SONA) went this way:

Noon isang taon, sinabi kong walang wang wang. Natupad na po ang pangako kong iyon kayat hindi ko na uulit-ulitin pa, baka sabihin ninyong OA. Nais kong sabihin ngayon na higit sa usping wang wang, marami pang ibang nagawa ang aking administrasyon.

Una, bilang bahagi ng ating pagtahak sa daang matuwid, naipakulong na natin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo sa mga salang plunder, graft at malversation of public funds. Nagpapatuloy pa ang kanyang mga kaso kaugnay ng electoral fraud, human rights violations at iba pa.

Nasa kulungan na rin sina Joc-Joc Bolante, Cito Lorenzo at ibang kasangkot sa GMA fertilizer fund scam; sina Ben Abalos, Virgilio Garcillano, Lintang Bedol, Zaldy Ampatuan at iba pang sangkot sa dayaan noong halalan ng 2004; sina Manoling Morato, Rosario Uriarte at mga nagpasasa sa pondo ng PCSO; at sina Efraim Genuino at kanyang mga alipores sa dating management ng PAGCOR.

Patuloy nating tinutugis ang mga may pananagutan sa pandarambong na naganap noong nakaraang administrasyon. Hindi natin sila tatantanan.

Ano naman ang hinaharap ng tuwid na daan?

Pinirmahan ko na bilang batas ang Freedom of Information Act at ang Whistleblowers Protection and Rewards Act. Itong dalawang batas na ito ang magtitiyak na hindi na mauulit ang karumal-dumal na nakawan at pang-aabuso noong mga nagdaang administrasyon. Ito ang magbibigay ng kakayanan sa ordinaryong mamamayan, ang aking mga boss, na bantayan ang sarili nilang gobyerno.

Sinibak ko na rin sa pwesto ang aking mga abusadong kaibigan, kaklase at kabarilan. Mantakin ninyo, gusto lang pala nilang palitan ang supplier ng kape sa PAGCOR na nagkakahalaga ng isang bilyong piso bawat taon. Yung isa nama’y gustong humalili sa Stradcom bilang eksklusibong kontratista ng LTO.

Natanto ko na rin na hindi porke’t walang korap ay wala nang mahirap. Kayat marami rin akong ginawa para baguhin ang sistema ng ekonomiya.

Tinanggal na natin ang VAT sa kuryente at langis. Epektibong naibaba ang presyo ng mga produktong ito at naidagdag sa bulsa ng mamamayan ang pera. Higit pa riyan, bumaba ang cost of production at nakaalwan sa presyo ng iba pang mga bilihin at serbisyo.

Sa kuryente ay binago na natin ang performance-based regulation ng Energy Regulatory Commission para ang konsyumer ay magbabayad ayon lamang sa aktwal na presyo ng kuryenteng ginagamit niya at hindi para mag-ambag ng kapital sa Meralco at iba pang distribution utilities.

Nananawagan ako sa Kongreso na madaliin ang batas para i-regulate ang power generation at ibalik sa kontrol ng pamahalaan ang TRANSCO. Kailangang ibalik sa ating mga kamay ang pagmamay-ari at kontrol sa napakahalagang sektor ng enerhiya. Inatasan ko na ang NAPOCOR na muling magtayo ng mga planta na magbibigay ng murang kuryente para sa lahat.

Tungkol naman sa langis, napabuksan na natin ang mga libro ng oil companies at napatunayang dinadaya nila tayo sa presyo at sa buwis. Dahil dito’y bumaba ng bahagya ang presyo. Napakababa pala ng ibinabayad nila sa income tax kumpara sa bilyun-bilyon nilang kinikita. Naman.

Hindi natin pinansin ang mga credit-rating agencies na wala namang ginawang tama. Kinausap ko isa-isa ang ating mga creditors at ipinaunawa ang pangangailangang ilimita ang pagbabayad ng ating utang batay sa ating kakayanan. Ngayon ay may sapat na tayong pondo para igugol sa pagpapaunlad ng sariling ekonomiya at pagbigay ng sapat at de-kalidad na serbisyo.

Pinahahalagahan ko ang pagtaguyod ng industriyang Pilipino. Sa ngayon, 90% na ng mga gamit na binibili ng gobyerno ay gawa sa Pilipinas, resulta ng ating bagong Filipino-first procurement policy. Dahil dito at sa iba pang programa ay lumalago ang pagmamanupaktura at napapahusay ang kalidad ng kanilang mga produkto.

May mga nagsasabing pinepersonal ko raw ang pag-angat ng kabuhayan ng ating mga magsasaka. Totoo po: Personal talaga sa akin ito. Kayat napakiusapan ko ang aking pamilya na ipamigay na ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka, tutal ilang dekada na kaming nakinabang doon. Ngayon, maunlad at masaya na ang ating mga magsasaka.

Sa aking mga boss, kung may gusto pa kayong ipagawa, sabihin n’yo lang. Gusto ko, happy ka.#

FULL ARTICLE HERE

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: