jump to navigation

BEWARE of this Modus Operandi (This happened inside UPLB) December 20, 2011

Posted by pilibustero in Personal.
Tags: , , , ,
trackback

BEWARE! Actual account of a supposed crime that transpired yesterday morning at the Freedom Park, UPLB as narrated by a friend. In the interest of public awareness and vigilance:

“Alarming… Kanina sa Freedom Park may mga highschool students na lumapit sakin, ilan sa kanila medyo umiiyak. Akala ko umaarte lang, pa-cute- so highschool kumbaga. Pero ng magkwento sakin ang mga bata at humingi ng tulong, naawa naman ako at natakot at the same time. Sabi nila, habang nagpi-picnic sila, may lumapit na mama na naka-motor at tinanong kung naka-register na daw ba sa opisina ng UPLB ang mga gadgets na dala nila like camera, phones, etc. Noong sabihin nila na hindi pa, nagmamadali daw ang mama na kinuha ang mga gamit nila. Pero ang nakakatakot, isiinama pati ang isa sa mga babae nilang kasama, pinilit nilang sumama din sa mama pero huwag na daw dahil isa lang ang pede i-angkas sa motor nya. Sa pinaghalo-halong takot at kaba, samahan pa na nagtiwala sila sa mamang akala nila ay UPLB staff, hindi nila nakuha ang plate number ni kuya.

Sinamahan ko ang mg bata sa UPF, may ilan na palang classmates nila ang nagreport dun. Kinausap ko si manong UPF about sa nangyari, sagot ni manong ” Yun nga eh, di naman nila nakuha ang plate number, basta motor na blue at nakared na t-shirt.” pero kasi po, isinaman kasi yung classmate nilang babae, sabi ko kay manong. Nagulat naman ako ng sabihin ni manong, “Yun na nga, pinapaikot na nmen ang mga patro,” at maya maya dinugsungan ni manong : “kaso isang oras na kasi wala na yon, mahirap yang inyong yan” (sa tonong parang balewala lang o siguro ganun ko sya tinanggap sa isip ko, diko din sigurado)…

Dahil may kailangan din akong puntahan at may mga taong naghihintay sakin, minabuti ko ng magpaalam at ipaubaya sa kanila ang nangyari. Nakakalungkot na hindi ko nakuha ang contacts ng mga bata para makabalita sa nangyari. Sana lang ligtas ang batang tinangay ng mama”.

UPDATE: The Office of the Vice-Chancellor for Community Affairs has informed my friend that the ‘kidnapped’ girl was found safe in the vicinity of the University Library. Apparently, the motive was only robbery.

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: