jump to navigation

SI YNIK ANTE ANG ATING USC CHAIRPERSON March 7, 2012

Posted by pilibustero in Personal, Politics & Society.
Tags: , , , , , , ,
trackback

Opisyal na Pahayag ng UPLB DEVCOMSOC sa Hindi Pagproklama ng CEB kay Ynik Ante bilang UPLB USC Chairperson

Noong Pebrero 29, isang malinaw na panggigipit sa isa sa ating mga lider-estudyante ang natunghayan ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Si Ynik Ante, standard bearer ng partidong SAKBAYAN o Samahan ng Kabataan Para sa Bayan at miyembro rin ng UPLB Development Communicators’ Society, ay hindi iprinoklama bilang University Student Council (USC) chairperson-elect sa kabila ng pagkakapanalo sa bisa ng 1, 479 boto ng mga estudyante ng UP Los Baños.
Bago pa man mag-umpisa ang kampanya para sa eleksyon ay kinuwestiyon na ng ilang kasapi ng CEB o Central Electoral Board ang kandidatura ni Ante sa batayang ito ay hindi pa nakapagbabayad ng kanyang matrikula at naka-promissory note lamang. Ayon sa promissory note ni Ante na tinanggap ng CEB noong Pebrero 6 (panahon ng pagsusumite ng kandidatura), kailangan niya lamang mabayaran ang kanyang matrikula sa takdang araw na Pebrero 29 (walang nakasaad na oras), upang masabing siya ay lehitimong mag-aaral ng unibersidad.
Ganap na alas-5 ng hapon ng Pebrero 29 nang tuluyang makapagbayad si Ante. Ngunit sa hindi maipaliwanag na kadahilan, isang oras bago (alas-4 ng hapon) mabayaran ni Ante ang kanyang matrikula ay nagpasya na ang CEB na iproklama si Joyce Divino ng BUKLOD, pumangalawa kay Ante sa botohan, bilang USC chairperson-elect. Ito ay matapos makakalap ng maling impormasyon ang CEB kaugnay sa kakayahang magbayad ni Ante sa itinakdang araw.

Ito ay malinaw na pambabastos at pambabalewala sa boses at lakas ng mga estudyanteng bumoto at nagluklok kay Ynik Ante upang mamuno sa konseho. Ang kawalan ng kapasidad ni Ante na makapagbayad ng matrikula ay isa lamang indikasyon ng lumalala pang komersyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon, hindi lamang sa UP kundi sa iba pang state colleges at universities sa bansa. Ito ay tahasang pagsagasa sa karapatan ng mga lider-estudyanteng handang maglingkod upang isulong ang karapatan ng mga Iskolar ng Bayan. Hindi magiging malaking isyu ito kung iginalang lang sana ng ilang miyembro ng CEB ang karapatan ng mga mag-aaral na tulad ni Ante.

MARIING KINUKONDENA NG UPLB DEVCOMSOC ANG DESISYON NG CEB AT AMING IGINIGIIT NA SI YNIK ANTE ANG DAPAT IPROKLAMA BILANG USC CHAIR. Kaisa ng pinakamalawak at natatanging alyansa ng mga organisasyon sa UPLB na nagsusulong ng interes ng mga mag-aaral, ang SAKBAYAN, at ng kalakhan ng mga nagkakaisang Iskolar ng Bayan, hindi natin hahayaang manatili ang mga represibong hakbangin tulad nito. Hindi natin hahayaang manaig ang interes ng iilang ganid sa kapangyarihan. Bagkus, ating patuloy na itataguyod ang interes ng higit na nakararaming Iskolar ng Bayan. Patuloy tayong maninindigan laban sa komersiyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon upang hindi na maulit pa ang mga insidenteng tulad nito at hindi na madagdagan pa ang mga estudyanteng kapos sa pinansya at hindi makapagbayad dahil sa napakataas na matrikula sa pamantasan.
Higit sa lahat, nananawagan kami sa CEB na manindigan sa tama at nararapat. Huwag pigilan ang proklamasyon ni Ynik Ante bilang UPLB USC Chairperson sa dahilang walang kakayahang magbayad ng matrikula. Siya ay lehitimong estudyante at siya ay nararapat na mamuno sa konseho.

I-abante ang karapatan ni Ynik Ante, ang karapatan ng mga Iskolar ng Bayan!

DEFEND OUR VOTES!
PROCLAIM YNIK ANTE!

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: