jump to navigation

Tungkol sa pag-upo ni Ynik Ante, mga rally, at anik-anik pang cheverloo March 3, 2012

Posted by pilibustero in Random Thoughts.
Tags: , , , , , , , ,
add a comment

Note: This repost is an opinion essay by an org brod on the case involving our sis, Ynik Ante (SAKBAYAN), the duly elected Chairperson of the UPLB University Student Council last February 22-24 elections. Despite the legitimate mandate of the Iskolar ng Bayan of UPLB, the Central Electoral Board maliciously decided not to proclaim Ante and instead recommended the proclamation of BUKLOD-UPLB’s standard bearer, Joyce Divino (2nd Place) on grounds of technicality due to a supposed late-payment of tuition fee of Ms Ante. Apparently, Ante was able to have her Form 5 marked registered on the same day the CEB ruled against her. This is in effect rendered the CEB ruling moot. However, the CEB led by OSA Director Lt. Col Vivian Gonzales continues to disregard the mandate of Ms Ante, which is an utter insult and brazen violation of students rights. 

ni John Mervin Embate

Studyante ka muna bago ka maging leader?

Sa ibang aspekto, oo, maaari. Subalit sa kabilang banda,alalahanin mo na mamamayan ka muna ng bayan bago ka naging estudyante, at tungkulin mo na maglingkod. Mandatory yun, mga hijo at hija. Kung mag-aaral ka ng Pamantasan ng Pilipinas, wala kang choice kung hindi ang maglingkod. Yun nga lang, may tunay at may japeyk — kahit naman sa totoong buhay hindi ba?

At papaano mo ihihiwalay ang mga tunay na naglilingkod sa naglilingkod-lingkuran lang?

Ang naglilingkod, kayang magsakripisyo. Kayang ihanay ang prayoridad sa buhay — iuna ang pagsisilbi kaysa sa gimik, kaysa pamilya, kaysa sarili, at oo, sa pag-aaral.

Nakatrabaho ko si Ynik sa maraming pagkakataon. Sis ko siya. Kaibigan ko siya. At alam ko kung ano ang inilalaan niya para magsilbi, para maglingkod sa bayan, para sa mga estudyante. Sabihin na natin, na, oo, medyo hindi nga siya kabilang sa mga estudyante sa unibersidad na laging nagta-top sa klase, hindi nga siya yung tipo na tuta ng mga professors, pero hindi matatawaran ang oras at pawis at dugo na inaalay niya para sa pamantasan, at para sa mga estudyante na bumubuo sa kalakhan nito.

Tapos sasabihin ninyo na hindi siya mabuting ehemplo sa mga estudyante?

Hindi ko ito sinasabi dahil lang sa Sis ko sya. O dahil kaibigan ko siya. O dahil pula ako (oo, inaamin ko) at suportado ko ang pag-rarally sa lansangan. Sinasabi ko ito dahil ito ang alam kong tama, at ito ang ipinamulat sa akin ng apat na taon kong pananatili sa unibersidad.

At hindi ko lubos na masikmura ang paninira sa kanya ng mga tao. Hiling niyo at pakiusap ang katotohanan sa bawat posts niyo, sa bawat rantings niyo, ngunit laman ba nitong mga “sabi-sabi” na to ang katotohanan at katotohanan lamang?

Mahaba at nakakaburat ang usapin tungkol dito sa karapatan ni Ynik na maupo bilang USC Chair. Pero nagsalita na ang balota. Pinayagan syang kumandidato. Hinarang nung una, oo. Pero pumayag din. At ngayong nanalo. Tapos biglang babawiin?! Ano to, pawnshop?

Subalit ang hindi ko mas lalong matanggap ay ang mga estudyante na may negatibong pagkiling sa pagrarally. Well, hindi naman trabaho ng mga nag-rarally na i-please at i-pamper ang lahat ng estudyante. Pero nakakatawa lang. Tila lumalabas kasi na ang mga estudyante ngayon ay wala ng utang na loob at respeto sa mga taong naglalaan ng oras, ng panahon, nagsasakripisyo na magbilad sa araw, magpakabasa sa ulan, pipigilan pa ng mga pulis, mumurahin (kulang na lang duraan sa mukha), aarestuhin, ikulong, yapakan ang karapatan — lahat ng ito para lamang maisulong at maihain ang kanilang pinaglalaban. At sa impormasyon niyo lamang po, KAYO po ang kanilang pinaglalaban. Hindi po nila ito ginagawa para lamang makalamang. Hindi po nila ito ginagawa bilang pogi-points. Ginagawa po nila ito dahil ang layon po nila ay mapanatiling matatag ang karapatan ng mga estudyante at ng mga marginalized sector ng lipunan.

Oh eto. Isang bulok pero relevant na halimbawa. Nung pumutok ang TOFI, sino ang naunang ipinaglaban ang karapatan mong magbayad ng tamang tuition para sa isang state university? At ano nga bang batch mo, hijo, hija? ‘08? ‘09? ‘10? Teh, hindi ka pa estudyante ng UP, yung kapakanan mo na ang ibinabalandra nila sa kalsada.

At pagkatapos, sasabihin niyo na naiinis kayo sa mga nagrarally? Na porke may karapatan silang magrally, e pwede na silang magrally kahit kelan nila gusto? Hindi po ito pagtetext, o pag-iinternet, o pag-mamasturbate na pwede niyong gawin kung kelan niyo naisin. May purpose po ito. May halaga. At nakakalungkot na ipinaglalaban nila ang mga taong walang-pake, mga taong-kebs, kumbaga, mga taong tae.

Ikaw ba, ano na bang nagawa mo sa pamantasan? Sa palagay mo ba ang pag-aaral at pag-eexcel sa klase ay sapat lang? Isa kang mabuting estudyante kung gagraduate ka with honors. Pero naging mabuti ka bang mamamayan?

Tandaan mo, hindi ka lang estudyante sa Pamantasan ng Pilipinas; estudyante ka NG Pamantasan ng Pilipinas. Magkaibang-bagay yun. Bitibit mo ang pangalan ng iyong bayan kaya mayroong nakapatong na responsibilidad sa’yo para maglingkod. At ang paglilingkod na iyon ay tagus-tagusan mula sa simpleng pag-upo sa klase, pakikinig sa titser, pagsusulat ng notes, pagpapaphoto-copy ng handouts, at pampeperpek sa eksam. Kung ganoon kang klaseng estudyante, sabihin mo nga, anong pinagkaiba mo sa estudyante ng ibang pamantasan? (Pero sa loob-loob mo, kung makapagsabi ka ng UP and Others, aba, kapal mo lang!)

Advertisements

Fall In Love With An Activist October 1, 2011

Posted by pilibustero in Personal.
Tags: , , , , ,
3 comments

by Ana Catalina Paje

Fall in love with an activist because…

You could have the worst hair day of your life, he wouldn’t care…with his way of life, he’s had worse.

You won’t need to take her to a fancy restaurant, fine dining was never her thing…she would rather eat with her hands in the company of farmers.

You could shout at him all you want, he would just smile…he does it everyday..to assert for your rights.

She doesn’t care if you’re rich or poor. After all, she does understand class struggle.

You can be frank about him, in fact, he would like that very much.
Criticism and self-criticism are second nature to him. He always wants to improve himself.

She isn’t afraid to make the first move. Don’t worry she’s no bimbo.
It’s just that she believes in the equality of sexes. And she’s knows that women hold half the sky.

When you have a fight, it’s never all your fault. He knows that partly, he was to blame. Because he is a dialectical materialist.

She’s never boring. As long as social injustice and inequality exists, you won’t run out of things to talk about.

She’s very good at sharing her life with someone. Maybe it has something to do with their practice of collective living.

Being articulate is a skill he has come to master. And he will have no trouble telling you how much he loves you.

P.S. There’s a catch. You should know that you’re not the only person who owns his heart. You share it with the poor, the sick, the hungry, and the opressed.

P.P.S. By the time you fall for an activist, give it a week or so, you’ll be an activist yourself. Because if you love and understand her, you would know it’s the right thing to do.

*repost from Facebook

Uphold Rizal’s Resolve for Freedom, Free the Illegally Detained Calamba 7 June 21, 2011

Posted by pilibustero in Personal, Politics & Society.
Tags: , , , , ,
add a comment

“Uphold Rizal’s Resolve for Freedom, Free the Illegally Detained Calamba 7″